Pwede magpa-reformat?
Nakakapagod mag-isip, nakakapagod na mag-alala, at nakakapagod na magtanong ng mga bagay na alam ko naman ang sagot pero ayaw ko lang aminin sa sarili ko na yun naman talaga ang sagot. Sagot sa tanong na hindi ko naman talaga dapat tinatanong. Itong utak ko kasi eh. Parang lagi na sa maximum speed ang pag-gana kapag hindi dapat mag-isip. Tipong kapag naglalakad ako, nakakakita nga ako pero hindi ko naman talaga naiintindihan ung message na pinapadala ng optic nerves ko sa utak. Madalas nga kilala ko na pala yung nakikita ko, di ko pa agad napapansin. Parang late reaction. Siguro dahil sa sobrang dami ng tumatakbo sa utak ko, minsan medyo di na ma-accommodate agad yung nap-perceive ng mata ko. Ang nakaka-badtrip pa, kapag kailangan ko mag-isip dahil may bagay na dapat pag-isipan talaga ng todo, dun naman nagh-hang 'tong utak ko. As in nagiging mas mabagal pa sa PC ko sa office. Parang nang-aasar na kapag kailangan paganahin, dun ayaw. At kapag gusto ko naman magpahinga, dun naman in working mode. Ewan ko ba ano na 'tong pinagsasabi ko dito. haha. As in babble lang talaga 'to. Baka lang sakaling makatulong magpatulog sakin. |